Miyerkules, Disyembre 13, 2017

Kabanata I-XV

NOLI ME TANGERE

KABANATA 1
- pagtitipon sa bahay ni Kapitan Tiyago
- mabilis kumalat ang balitang ito (tsismis)
- pagbalik ni Crisostomo Ibarra at pasasalamat sa Mahal na Birhen
- pagtatalo ni Padre Damaso at ni Tinyente Guevarra
Kanser ng Lipunan:
- maluho at magastos
- pgtataksil sa sariling lahi
- kaisipang kolonyal (colonial mentality)
- sigalot ng pamahalaan at simbahan
KABANATA 2
- pagdating ni Ibarra galing Europa
- pagtanggi ni Padre Damaso kay Ibarra na kaibigan niya ang kanyang ama
- paggamit ni Crisostomo ng ugaling Alemanya sa pagpapakilala sa kanyang sarili sa mga kababaihan.
- pagkikita at pag-uusap nina Crisostomo at Tinyente Guevarra
- pambabastos ni Padre Damaso kay Crisostomo
Kanser ng Lipunan:
- crab mentality
- pagkainggit
KABANATA 3
- pag-uunahan nina Padre Damaso at Padre Sibyla sa kabisera ng hapag-kainan (nanalo si Padre Sibyla)
- tinolang manok (paboritong ulam ni Ibarra)
- ikinagalit ni Padre Damaso (napunta sa kanya ay ang makunat na leeg ng manok, pakpak at maraming gulay)
- masasamang parinig ni Padre Damaso sa mga Indiong nag-aaral sa ibang bayan
Kanser ng Lipunan:
- pagmamataas at kawalan ng respeto
KABANATA 4
- walang pinagbago ang Binundok (Binondo) sa loob ng 7 taon.
- paghabol ni Tinyente Guevarra kay Ibarra upang sabihin ang tunay na nangyari sa kanyang amang si Don Rafael Ibarra
- binigyang (babala ni Tinyente Guevarra si Ibarra)
Kanser ng Lipunan:
- kawalan ng katarungan
- pagbibigay ng posisyon sa di-karapat-dapat o walang alam
KABANATA 5
- tumuloy si Ibarra sa kanyang tinitirhang pansamantala sa Fonda de Lala (pinakasikat na hotel) pagmamay-ari ni Lala Ari
- naghahalo ang damdamin ni Ibarra: kasiyahan sa pagnanais siyang makita si Maria Clara at naghihirap ang kanyang kalooban sa pag-aalala sa nangyari sa kanyang ama na wala siyang nagawa.
KABANATA 6
- patungkol sa buong pagkatao ni Kapitan Tiyago
- lumaki sa isang pamilyang “middle class”
- lumaki sa pangangalaga ng isang pari
- 35 taong gulang
- mukhang matanda dahil sa paninigarilyo
- baog ngunit hindi inamin; sa loob ng 6 taon na pagsasama nila ni Pia Alba (galling sa mayamang pamilya) hindi sila nagkaroon ng anak
- pinayuhan ni Padre Damaso ang mag-asawa na mamanata sa sumusunod:
o Birhen ng Kaysasay
o Birhen ng Turumba
o Mga santo/pintakasi ng Obando
▪ Nuestra Senora de Salambaw
▪ Santa Clara
▪ San Pascual Baylon
o Kumpisal (9 na biyernes sunod-sunod) – pagpapalagay ni Pia Alba na kasama sa ritwal ng kumpisal ang ginawa ni Pia Alba
- kasundo ng lahat si Kapitan Tiyago
o simbahan
▪ malapit siya kay Padre Damaso
▪ Sakristan Tiyago dahil siya ay sunud-sunuran
o pamahalaan
▪ malapit sa Kapitan Heneral at kay Tinyente Guevarra dahil nagbibigay ng pera sa pamahalaan
o lahat
▪ nagbibigay ng pera sa lahat ng tao upang siya ay ipagdasal/ipagkumpisal
- noon pa may ay mayroon ng konsepto ng drug lord
- pagkakaroon ng negosyo sa opyo/opium – uri ng droga
- namatay si Pia Alba pagkatapos manganak; tinamaan ng puerperal – matinding lagnat
- lumaking mapalad si Maria Clara
- 14 taong gulang nang ipinadala sa beateryo ng Santa Catalina – paaralan para sa mga dalaga; mapigilan ang maagang pag-aasawa (Padre Damaso)
Santiago – patron ng mga Kastila
Santiago de los Santos o Santiago ng mga Santo – malapit sa mga santo hindi sa Diyos
- ang kabanatang ito ay nagpakita ng positibo at negatibong pangyari; nagsisilbing eye opener upang malaman kung paano kayo magiging magulang sa hinaharap
- maaaring tularan ang ibang katangian ni K. Tiyago; pagiging masipag at hindi nagpabaya sa buhay ngunit dapat sa tamang paraan
Kanser ng Lipunan:
- huwad na pananampalataya
- crab mentality – lalong panlalait ni Kapitang Tiyago sa kanyang mga kapwa Pilipino
- colonialism – mas pinapanigan niya ang kulturang banyaga
- ipinapakita ni Rizal sa katauhan ni Kapitan Tiyago ang pag-uugali ng mga Kastila (sa katauhan ng Pilipino) at kung paano namumuno ang makamundong nasa ng tao
KABANATA 7
- pagkatapos magsimba ay agad nang nagyayang umuwi si Clara na ikinagalit ni Tiya Isabel
- sa kabanatang ito unang inilahad ang unang beses na pagkikita ng magkasintahan pagkatapos ng 7 taon
- hindi napigilan ni Clara ang kanyang damdamin nang makitang dumating si Crisostomo, ito ay napatakbo sa kanyang silid at hinalikan ang imahen ni San Antonio Abad; sinilipa niya si Ibarra sa butas ng susian
- pag-alala sa kanilang nakaraan nang sila’y mga bata pa
- dahon ng sambong at sulat (simbolo) ipinapakita ni Rizal sa kabanatang ito na ang mga kabataan noon ay mahilig “magtago” o “keep” ng mga gamit na may sentimental value – pagpapahalaga ng magkasintahan sa noon sa kanilang relasyon
- nagkaroon sila ng sumpaan sa harap ng libing ng ina ni Crisostomo
- nang magpaalam na si Crisostomo kay Clara dahil may mahalagang bagay pa itong dapat asikasuhin; ipinagsindi ni Clara ng kandila si Ibarra upang magkaroon ng matiwasay na paglalakbay
Kanser ng Lipunan:
- kawalan ng galang (pagmamadali ni Clara na makauwi)
- selos/tampuhan o pagtatanim ng sama ng loob lalo na kung maliit na bagay lamang ito; kasinungalingan/white lies
Pagpapahalagang Pilipino:
- pagiging sentimental
- palabra de honor (a promise)
- pagiging tapat sa pag-ibig
KABANATA 8
- naglalakbay ang sinasakyang karwahe ni Ibarra
- ipinakita sa kabanatang ito ang mabagal na pag-unlad o tila usad pagong na kaunlaran sa Pilipinas
- sa Europa, ang mga Harding Botaniko ay matutukoy ang mga halaman kung namumulaklak o hindi, ito ay hindi katulad sa Pilipinas na kung saan hindi matutukoy kung damo o halaman ay nasa hardin; patunay lamang na hindi pinahahalagahan ng mga Pilipino ang mga hardin sa Pilipinas (hindi binibigyang-pansin) ipinaparating ni Rizal na kung kaya ng Europa, kaya rin ng Pilipinas
- nakita rin ni Ibarra ang “victoria” na sinasakyan ni Padre Damaso (pagiging maluho)
- sa katauhan ni Kapitan Tinong ipinakita ang pagiging magalang ng mga Pilipino
- “Ang karunungan ay bukay para sa lahat ngunit ito ay natatamo lamang ng mga taong may puso.” (natatamo ng mga taong mabuti) – guro ni Ibarra
o matalino – puno ng kaalaman
o marunong – puno ng diskarte at aksyon (knowledgeable, intelligent, wise)
- ang disiplina ay mahalaga para sa pagkakaroon ng kaunlaran
- binibigyang pokus ang kasabihang “Ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.”
Kanser ng Lipunan:
- mabagal na kaunlaran
- papaurong
KABANATA 9
- galit na dumating si P. Damaso sa tahanan ni K. Tiyago
- gusting magmano ni K. Tiyago ngunit hindi iniabot ng prayle ang kaniyang kamay
- pag-uusap ni P. Sibyla at ng matandang paring may sakit; may sabwatang nagaganap, pagmamanman
- pinag-uusapan kung gagawing kapanalig o kaaway si Crisostomo
- patago ang nagging pag-uusap dahil namumulat na ang mga Pilipino
- pag-uusap tungkol sa pag-iingat ng kanilang yaman; naghahanap ng kasabwat
- “Dapat mong malaman na ang kapangyarihan natin ay mapananatili lang natin habang tayo ang pinaniniwalaan. Alam mo naming kinakalaban tayo ng pamahalaan.” – Matandang Pari
perfect metaphor ang pangyayari sa pagitan ng matanda at batang pari (pagpapatuloy sa sinimulan)
- may sakit na AIDS ang matandang pari (natukoy ito dahil sa sintomas na inilada) iti – ginamit na terminolohiya
- ang pagpatay sa kandila na sinindihan para kay Crisostomo ay sumisimbolo at nagpapahiwatig na maraming pagsubok ang darating sa landas ng binata; pagtatapos ng kabanata/pagputol sa kasunduan nina D. Rafael at K. Tiyago
Kanser ng Lipunan:
- sabwatan (negatibo); pagiging sakim/ganid sa kapangyarihan; panghihimasok sa buhay ng ibang tao
- panghahalay ng prayle nang siya ay nasa katungkulan
KABANATA 10
- paglalarawan sa likas na yaman na taglay ng San Diego
- pagdating ng isang matandang Kastila na matatas managalog
- pagbabayad ng kayamanan ni D. Pedro Eibarramendia sa mga taong nagpanggap na may-ari ng mga lupain sa San Diego
- ipinapakita nito ang unang naging kalakalan (barter)
- bagama’t kinatatakutan si D. Pedro dahil sa kanyang pangit na kaanyuan, pinakisamahan siya ng mga tao dahil sa pera/kayamanan niya
- hindi maganda ang pisikal na anyo ni D. Pedro kaya siya ay labis na natuwa nang may isang Pilipinang mestisa ang nagkagusto sa kanya
- namatay ang Pilipinang mestisa sa panganganak kay Saturnino
- sinisi ng matandang Kastila ang kanyang anak sa pagkamatay ng asawa
- lumaki si Saturnino na walang gabay at pagmamahal ng magulang – ito ang dahilan kung bakit malupit at masama ang ugalit nito
- inalagaan lamang na isang katulong
- sa kabanatang ito ipinapakita na mayaman talaga ang mga Ibarra
- naglalaman ng kabanatang ito ng maraming alamat; Alamat ng pagkamatay ni D. Pedro
- haka-haka ang sinasabing nagbigti ito sa puno sa balete; hindi nakasisigurado kung tunay nga bang katawan ng matandang kastila ang nakitang naksabit doon
- ipinangalan ang lugar ng San Diego sa isang santo
o patunay na sinakop tayo ng mga kastila ang Pilipinas (paglaganap ng Katolisismo)
o maaaring pamarisan ng mga tao ang kagandahang asal ng santo
o ipinapakita ni Rizal na ang bawat lugar sa Pilipinas ay sambayanan ng Diyos; nagkaroon lang ng problema sa mga taong nakatira rito
Baluarte de San Diego – ang pinakamalapit na kasagutan ay hinango ni Rizal ang piktisyosong pangalan ng bayan na kagaganapan ng kaniyang nobela mula sa Bastion ng San Diego na matatagpuan sa Timog Kanlurang bahagi ng pader ng Intramuros at kinalalagyan ng mga kanyon na gamit sa pagdepensa sa lunsod. Ang bastion ng San Diego ay nakaharap sa Bagumbayan at saksi sa ginanap na pagbitay sa tatlong paring martir (GOMBURZA) noong Pebrero 17, 1872, dahilan hinala na sila ang utak sa likod ng naganap na Pag-aalsa sa Cavite noong Enero 20, 1872. Ang paggamit ni Rizal ng pangalang San Diego sa bayan na inikutan ng kasaysayan sa nobela, (lalo na ang bahagi ng isang pakunwaring pag-aalsa na ginawa ng prayleng si Padre Salvi) ang siyang pinaka-susi upang maunawaan na ang Noli Me Tangere ay isang inbestigatibong nobela na nahahawig sa naganap na Pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Ang pinakamalaking kabalintunaan na naganap kay Rizal ay ang bastion ng San Diego ay siya ring naging saksi sa kaniyang pagbitay noong Disyembre 30, 1896 dahilan sa paghihinala na siya ang utak nang naganap na Himagsikang Pilipino na sumiklab noong mga huling araw ng Agosto 1896.
- ang gubat na madilim: sinisimbolo nito na madilim ang San Diego (Pilipinas) patunay na sinakop ang bansang Pilipinas ng mga dayuhan
- ito lang ang kabanatang nagsasalaysay sa kasaysayan ng San Diego
- pagpapakilala sa mga ninuno ni Crisostomo (pagpapahalaga sa henerasyon ng pamilya)
- ipinapakita na sagana sa likas na yaman ang Pilipinas
Kanser ng Lipunan:
- pagpapanggap ng mga tao
- madaling masilaw sa pera
- panlalamang ng kapwa; pakikitungo kay D. Pedro
D. Pedro Eibarramendia​​isang Pilipinang mestiza
D. Saturnino Ibarra​​​isang Pilipinang taga-Maynila
D. Rafael Ibarra​​​isang babae na ang apelyido ay “Magsalin”
D. Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin
KABANATA 11
Don Rafael – pinakamayaman sa San Diego ngunit hindi kinatatakutan
Kapitang Tiyago – mayaman ngunit pinagtatawanan
Donya Consolacion – asawa ng Alperes; magaspang ang pag-uugali; naambunan lang nga kapangyarihan
Alperes – matinding kaaway ng kura (kawani ng pamahalaan)
Padre Salvi – kura ng San Diego (alagad ng Simbahan) – pinagbabayad ng multa ang mga nagkasala
Gobernadorsilyo o Kapitan – (municipal mayor ngayon) siya ang inuutusan at pinagagalitan
cacique – Spanish term para sa mga taong elite/powerful
- ang kabanatang ito ay sumasalamin sa mga makapangyarihan sa panahon ng Kastila
- ipinapakita ang tunay na relihiyon sa huwad na relihiyon; kinilala nila ang Diyos bilang mapagparusa, masama at hindi mapagmahal
- nahati ang mga mamamayan noon (tagasunod ng pamahalaan vs. simabahan) hindi sila united kaya hindi magkasundo
- nakalimutan ng mga tao noon na mas makapangyarihan sila dahil ang isang lider ay hindi maituturing na lider kung wala siyang tagasunod
- ipinapakita ni Rizal na hangga’t may nakatataas (superior/dominant) at nakabababa (inferior) mananatili ang konsepto ng “inequality”
- hindi magkakaroon ng pantay na tingin at karapatan ang mga tao dahil sa salungatan ng mayaman at mahirap
Kanser ng Lipunan:
- paggamit ng tungkulin sa maling paraan
- mali ang labeling (maaaring ituring na bullying)
- ang relihiyon ay ginagamit na panakop at panakot
- pagpataw ng malaking buwis
- pananakit ng asawa
- pagpapatalbugan ng kapangyarihan
- paraan ng pagtanggap ng bisita ni P. Salvi
o tsokolate a – malapot; huwag mabahala (welcome)
o tsokolate e – malabnaw; tumakbo na
KABANATA 12
- binigyang pansin ang pagkakaiba ng tao sa hayop
- inilarawan ang sementeryo ng San Diego: luma, magulo, hindi organisado
- pinakita ang pag-uusap ng dalawang sepulurero – tagahukay sa sementeryo
- tinukoy si P. Damaso bilang kurang Malaki
- binigyang pokus ni Rizal ang pagkapit at pagsunod sa maling kultura ay hindi tama
- 20 araw pa lang nakalibing ang labi ni D. Rafael
- simbolo:
o gabi: “madilim” may maling pangyayari
o umuulan: nakikisimpatya ang langit
o sementeryo: dapat tahimik pero inilarawan na “magulo”
- 2 dahilan kung bakit sinunod ng sepulturero ang utos ni P. Damaso:
o nangangailangan ng pera
o natatakot kay P. Damaso
- pangyayari sa kabanata na nangyayari pa rin sa kasalukuyan:
o pagbisita sa mga patay
o pagsunod sa maling utos
    Kanser ng Lipunan:
- ang paghukay sa bangkay ni D. Rafael
- monopoliya ng kapangyarihan ni P. Damaso
KABANATA 13
- pagdating ni Crisostomo sa sementeryo kasama ang matandang utusan
- hindi nahanap ang palatandaan sa puntod
- ang sepulturero ang naglalahad ng mga pangyayari
- umuusbong ang galit ni Crisostomo (ito ang tinutukoy na sigwa/unos)
- tinawag na sawimpalad ni Crisostomo ang sepulturero (kapit sa patalim)
- galit na hinawakan ni Crisostomo ang balikat ng sepulturero
- repleksyon: “hanggang kalian paninindigan ang alam mong mali?”
- imbes na ilibing ang bangkay sa sementeryo ipinaagos na lang ito sa ilog
- dahilan:
o mabigat ang bangkay (dahil sa dugo hindi naembalsamo)
o madilim at umuulan
- tinukoy ng sepulturero si P. Damaso bilang Padre Garrote(bigti/kamatayan)
- nakita ni Crisostomo si P. Salvi at ito ang pinagbuntungan ng galit at inamin na wala itong kinalaman; sinabi niya na si P. Damaso ang may utos (ipinapakita kung paano naghugas kamay si P. Salvi at ipinagkanulo si P. Damaso
- mga dahilan kung bakit sa sementeryo ng Intsik ipinapalit:
o Intsik – mababang uri ng tao sa lipunan
o inggit na nararamdaman ni P. Damaso upang mawalan ng respeto at bumaba ang tingin ng mga tao kay D. Rafael
- simbolismo: pagsunog sa krus – pag-alis ng karapatan bilang Kristiyano
- repleksyon: nang pinuntahan ni Donya Teodora si Rizal sa kulungan, ito ay nagbilin na bigyan siya ng disenteng libing.
o lagyan ng bato na nakaukit ang inisyal ng pangalan (JPR > RPJ; dahil baka nakawin ng mga kastila ang kanyang bangkay)
o lagyan ng krus at nasa kanila na kung tatamnan ito ng mga bulaklak
    Kanser ng Lipunan:
- kawalan ng respeto
- diskriminasyon sa mga Intsik
- pagsunod sa mali
KABANATA 14
Pilosopiya – love of wisdom
- nabahala kanyang ina na baka makalimot siya sa Diyos dahil sa pagiging matalino kaya pinapili kung gusto niyang magpari o huminto na lang sa pag-aaral
- repleskyon: “Baka sa sobrang talino mo ay pugutan ka ng ulo.” – Donya Teodora
- mas pinili ni Tasyyo na tumigil (may kasintahan siya noong nag-aaral)
- namatay ang asawa ni Tasyo pagkatapos ng isang taong pagsasama (pinaniniwalaang namatay ito sa panganganak)
- pagkamatay ng kanyang ina
- ang pagbabasa ng maraming aklat ang nagging libangan; hindi mahilig sa anumang bisyo
- napabayaan ang negosyo/kayamanan kaya naghirap
- para sa mga edukado, tinatawag siyang pilosopo, sa mga mal-edukado ay baliw
pararrayos – tagahuli ng kidlat (lightning rod) taong may hawak ng kidlat (taong magsisimula ng liwanag/pagbabago; mabubuting tao na huhuli sa mga masasama) radikal – modernong katawagan
- na-misinterpret ng Kapitan ang sinabi ni Tasyo kaya nagpabili ito ng kwitis; inakala niya na gustong magkaroon ng fireworks (makikita ang malayong agwat ng kanilang lebel ng pag-iisip)
kidlat – maliwanag, nakamamatay kung hawakan, mabilis (magbibigay liwanag sa San Diego at tatapusin ang mga masasama)
- gustong magkaroon ng mabilisang pagbabago (halimbawa: Noah’s ark)
purgatoryo – ito ay hindi pinaniniwalaan ni Tasyo ngunit ito ay kanyang kinikilala (walang nabanggit na purgatoryo sa bibliya)
limbo – nabanggit sa bibliya at katulad ng depinisyon nito ang purgatoryo
- ang delubyong tinutukoy ni Tasyo at ang galit ni Crisostomo
- matagal nang hindi nagkakaroon ng kidlat sa San Diego; nang dumating pa lamang si Crisostomo ay eksaktong may paparating na unos (maaaring siya ang tinutukoy na kidlat ni Tasyo
- mga kabiguan ni Tasyo:
o pagtigil sa pag-aaral/hindi nakapagtapos (nag-aral ng pilosopiya sa Colegio de San Jose)
o pagkamatay ng asawa at ina
o nawalan ng kayamanan/naghirap
Kanser ng lipunan:
- paggamit sa konsepto ng “purgatoryo” upang makakuha/kurakot ng malaking donasyon
- mali ang paggamit ng relihiyon sa masamang paraan
- panghuhusga ng mga tao kay Tasyo
KABANATA 15
- maling pambibintang ng sacristan mayor kay Crispin sa pagnanakaw ng 2 onsa (nagkakahalaga ng 32 piso)
- nakita ni Tasyo ang magkapatid at pinapauwi niya ito dahil naghanda ang kanilang ina ng hapunang pangkura(masagana)
- pagmumulta kay Basilio dahil sa maling pagtugtog ng kampana
- hinatak si Crispin
- tumakas si Basilio
- ipinapakita rito ang konsepto ng forced child labor na dapat sana ang dalawang magkapatid ay nag-aaral
- repleksyon: maling pagbibintang kay Rizal na siya ang pinuno ng KKK
- paraan lamang ito ng sacristan mayor upang makuha/corrupt ang dalawang onsa
- si Crispin ay namatay (nagging panaginip ni Basilio; nakitang may kagat sa braso at kalmot ang balat ng sakristan mayor) sundan ang patunay sa El Filibusterismo
Kanser ng Lipunan:
- ginagamit ang relihiyon para mapagkitaan
- pang-aaabuso sa mga mahihi rap/bata
- kawalan ng karapatan (pantay na karapatan)
- maling pambibintang