Wednesday, 17 July 2019
“One year na pala, ano?”, sabi ng workmate ko sa’kin. Sabi ko, “Ang alin?” “Simula nang naghiwalay kami”, sabi niya. Oo nga. Ang bilis. Isang taon na nga ang nakalipas nang makita ko ang mala-roller coaster na kuwento ng pag-ibig niya sa isang taong pinagbinuksan niya ng kanyang puso, inakala niyang magpaparamdam sa kanya, hindi lang ng magagandang bagay, kundi ng bagay na masasabi mong kahit hindi ay nagiging maganda dahil may kasama kang lumalaban. Noon.
Para akong nanood ng isang teleserye dahil nasubaybayan ko ang kanilang love story. Kung ikaw ang nasa posisyon ko, masasabi mong naging masaya ang simula ng kanilang relationship dahil sa apat na taong sarado ang pinto ng puso niya, nakita ko kung paano siya ngumiti at sumaya, kaiba sa mga ngiting nakikita ko sa kanya on a daily basis, dahil sa lalaking ‘to.
Tanda ko pa ang kilig moments na nasaksihan ko sa tuwing magkukuwento siya tungkol sa kanilang dalawa. Masaya akong masaya ang kaibigan ko. Walang duda. Bakas ito sa kanyang mukha. Sa mga ngiti sa kanyang mga labi. For once. Pero katulad ng isang serye, darating sa puntong susubukin ng tadhana ang relationship ng love team. Gano’n ang nangyari sa kanila. Sa maraming beses kaming nag-overtime dahil sa hinihintay niya ang boy friend niya noon para lang sabay silang umuwi, sa mga bulaklak na spontaneously ibinigay sa kanya, at sa mga kinuwento niyang date nilang dalawa, bigla na lang nagbago ang takbo ang ihip ng hangin. Kung titingnan mo, ito ‘yong pag-part ways nilang dalawa kahit na sabay silang umuwi, pagkalanta ng mga bulaklak na ibinigay sa kanya, at ang ending ng isang kuwento. In short, nagkalabuan at unti-unting nawala.
Side lang ng kaibigan ko ang naririnig ko dahil kahit na friend ko sa Facebook ang ex niya, hindi ko nalaman ang bahagi ng kanyang kuwento. Believe me, nakita ko kung paanong ang mga ngiting nakikita ko noon sa kanya, bigla na lang napalitan nang iiyak na lang siya bigla habang nagpapatugtog ako ng music sa aking cellphone. Hindi ko man ramdam ang nararamdaman niya that very moment pero alam kong nasasaktan siya. That time, she was probably questioning her worth. “Bakit?” “Bakit gano’n?” Baka ganyan ang mga tanong na gumugulo sa isipan niya. What I could I only do was to comfort her. To make her feel na she’ll get through it.
Sinubukan pa rin nilang lumaban. May second chance. Sabi pa nga niya, saksi ang mga magulang niya kung paano umiyak ang ex niya because of the pain he caused sa kanilang anak, sa kanya. Tinanggap niya siyang muli despite what happened. Kaya lang, kagaya nang naunang nangyari, nasaktan lang ulit siya. She took a risk noong tanggapin niyang muli ang taong nanakit sa kanya. Sa pangalawang beses na nasaktan siya, she finally had the courage to leave. To stop. To let go. It wasn’t easy for her. Last year, she was at her lowest. I’ve seen how wretched she was. Totoo nga, maraming pwedeng mangyari sa loob ng isang taon. Ngayon, masaya na ulit siya. Hindi lang dahil may bagong nagpapasaya sa kanya kundi dahil sa panahong down siya, ni-lift up niya ang sarili niya. Itinuloy niya ang buhay niya. Wala nang mas sasaya pa kapag nakapag-move on ka na sa taong naging bahagi ng past mo. Yung 5 stages of grief, pinagdaanan niyang lahat ng ‘yon. Denial. Anger. Bargaining. Depression. Acceptance. She has taken another step sa buhay niya.Teacher kaming pareho pero para akong naging estudyante niya sa ilang klase sa buhay. She has taught me so many valuable lessons in life.
Kahit gaano kasakit ang isang sugat, it will eventually heal. Tulungan mo lang ang sarili mong buoin ang sinira ng iba. There will always be people around na magiging kasama mo while healing but let it be you in the first place. Wala man akong idea kung paano ang naging closure nila, kung mayroon man o wala. Maayos man o hindi. Doon sa pagtatapos ng kuwento nila, ay pagsisimula ng panibagong kuwento niya. See, for very heartbreak you experience, you are one step closer to the person who’s really meant for you. Wag tayong mawalan ng pag-asa na muling sumubok. Muling lumaban. Dahil sa bawat pagtatapos ay maroong panibagong simula. You just have to look at the bigger picture why it happened in the first place. Sure thing, it happened for a reason.

