Sunday, 14 July 2019
Nakasanayan ko na sa tuwing magpapagupit ako ng buhok, sinisigurado kong kung ano ang gusto ko, iyon ang gagawin ng barbero. Pinipili ko rin kung sinong gugupit sa’kin dahil mahirap na baka hindi ko pa magustuhan, magtitiis ako ng ilang araw na para bang ayaw ko nang lumabas ng bahay dahil sa hindi ko masyadong feel ito. Wala namang masamang maging choosy tayo paminsan-minsan. Kumabaga satisfaction. Kaya tayo nagiging mapili dahil ayaw nating pagsisihan ang mga magiging resulta ng desisyon natin. One thing for sure is, satisfied ako sa aking haircut.
Pagkatapos kong magpagupit, pumunta ako sa isang mall dahil gusto kong tumingin ng mga libro na magugustuhan ko. Habang pumipili ako, binubusisi ko ang mga pumupukaw ng atensyon ko, ang pamagat, ang synopsis sa likurang bahagi ng pabalat ng libro, okaya naman ang author ng mga ito. Kung sinusuwerte may mga librong walang balot kaya maari mong ma-scan ang nilalaman. May mga nagustuhan ako pero wala akong binili. Wala akong piniling bilhin kaya lumabas na lang ako ng bookstore. Sinubukan kong maghanap ngunit wala siguro talagang nakatadhana para sa’kin sa mga oras na ‘yon. Sa susunod, baka mayroon na. Hindi naman masama ang umasa.
I bumped into old friends at nag-decide akong sumama sa kanilang mag-coffee. Nauna silang mag-order. Habang pumipili ako ng order ko, medyo natagalan, mabuti na lamang at wala akong kasunod. It took me some time bago ako mag-decide na siya na lang ang mag-decide para sa’kin. He was willing to do it for me. Hindi ko alam kung anong ibibigay niya sa’kin. Wala akong idea sa gusto niya but still I let him decide for me. While it is true that you should never let someone decide for you, may mga tagpo pala sa buhay natin na, minsan, we have to try. A moment of spontaneity. Adventure. Kalaban ng “what if hindi ko magustuhan?” ang “Thank God I tried”. Sabi naman niya, “kapag ayaw mo, sabihin mo lang, papalitan ko” pero I assured him na tatanggapin ko kahit ano dahil kahit na siya ang pumili para sa’kin, desisyon ko pa rin na siya ang magdesisyon para sa’kin. Sinabihan ko siya na pangalan niya ang isulat niya sa cup. Pumayag siya. Walang pag-aalinlangan. Nagbiro pa nga siya na buong pangalan niya ang isusulat niya. Umoo naman ako, syempre. That’s how fast I made a friend today. Unexpected but it turned out well. So well, I tell you.
In life, we are the ones who choose who will enter our lives. Some of them might not even stay for long, some will promise us to stay but not going to fulfill it. Some will surely stay, those are the ones we should keep. Yes, people come and go but some come and stay. Every person we meet will teach us certain lessons — something valuable. Who would have thought I would be connected to a complete stranger? Today, I realized that God sends you the people you need at exactly the right time.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento